Wednesday, October 19, 2011

Dad’s birthday... and past


October 17, 2011
                
                A few days from now, it’s going to be my dad’s birthday. He’s a little worried though. But I wish he would have a great one.
                When I was younger, I used to visit my dad’s place. That’s the fruit of having separated parents. You get to visit lots of houses. :/ Anyway, back then, he had a relationship with a woman named Narsie. Narsie was cruel to me.
                My dad’s place was a compound so our other relatives live in the same area. I remember when I was at my cousins’ house, I was just waiting for Narsie to go to sleep. Finally, when I was about to open our door, she immediately ran up and locked it again. So I opened it. And then she locked it again. And then I opened it again. And she locked it again. Finally, I was so angry I screamed, “Dad!”! That was the time I got to open the door. When I opened it, she was just staring at me like a monster.
                I went to my room and she just started texting me nasty things about my dad. I hated her. In the end, I ended up crying and begging her to stop her cruel ways and made amends. Ang bait ko noh? Actually, I don’t know what came up to me that night. Basta gusto ko na lang makipag-ayos.
Marami pang times na nangyari na bumabati ako sa kanya pero dedma lang siya. Bastos! Walang modo. Walang pinag-aralan. Utak langgam. Yes, bitter talaga ko!
Maybe some of you are thinking why I can’t let go of my past? If I am happy and contended with my life now, why should I bother stressing about the horrible things that happened when I was younger? Well, my answer is precisely that. I am now happy and contended with my life as I fulfil my role as a mother and wife. So why in hell should I let someone ruin my peaceful life? This is not a time to ask questions. This is the time to fight and win, to protect what is yours and not let anyone ruin what you have built and dreamt for 12 years. A happy family.
So if ever magkita kami, isa lang ang masasabi ko… Ang ganda mo! Pak! Bwahahaha!
No, that’s not what I really intend to say… I’m just kidding guys. Basta, be ready for world war 3! Hmph! 

Saturday, October 15, 2011

Sulit ba ang 4k mo?!


 October 6, 2011
           Sa panahon ngayon, hindi na puwede ang masarap na mahirap. Siguro ang iba sa inyo maaring may mga  pagkakataon na puwede mo pa masabi na masarap at mahirap ang ginagawa niyo sa buhay niyo. Pero in cold, harsh reality, kapag walang pera, mahirap! 
        Korek!
         Ang pera nga naman, mahirap kitain ngunit mahirap din patagalin sa mga kamay mo. Minsan nga hindi pa tumatagal eh. Ang bad trip pa dun, it’s like you’re not getting what’s your money’s worth. Hindi sulit. Pagkain nagmahal, gamot nagmahal, edukasyon, damit, transpo, ultimo pagseserbisyo nagmahal. Mahal na ang pagtitip sa mga carwash, barbero, salon, bagger at kung anu-ano pa. Kapag binigyan mo ng bente, inis pa sa’yo. Ang dating pa insulto. Haay nako ang mga tao talaga… 
        Pati mga kasambahay ang dami na din demands. Imbyerna! Ubos kwarta. 
I have 3 helpers at home. 1 boy and 2 manangs. Hindi ko sila lahat maasahan sa pag-aalaga ng mga kids ko. Ayaw nila mag-alaga. Gusto nila lahat gawaing bahay. It’s like I’m paying all of them to clean the house and I’m the one left with the kids. It’s exhausting. It’s fun, but at times it’s really exhausting. Yung tipong sa sobrang pagod mo, matutulog ka na lang.
Ok lang naman sakin mag-alaga ng mga bata. I like it nga eh. I can say that I’m good with my kids. But sometimes, I can’t help but think, that I’m paying all my helpers P11,000 per month and I’m still f*ing tired!!! 
      Hindi ko keri! 11K??!!!! Hindi ba dapat humihilata na lang ako nun? Eh sa sobrang kabadtripan pa nga, nakuha ko pa itong i-blog! OMG talga!!!
      My husband and my mom said, now that the kids are still young, we should treat our helpers as investments. Kasi nga these days, finding good help is like finding a needle in a haysack. Haaay buhay…. :/

Monday, September 26, 2011

Mall Tour (Part II)


Ang pangalawang mall tour ko, kasama ko yung friend ko. Engaged na siya and we decided to meet up at the mall to have lunch together and to catch up. Besides, ring bearer ang eldest ko sa wedding niya kaya keri lang. 
                As usual, late na naman ako so my friend decided to buy some things muna before meeting me at a restaurant. Finally, we saw each other and made super chika to the max. :-D Actually, a few dates before our meet-up, nagpa-practice na ko ng mga ichi-chika at mga sasabihin. Haha! Rehearsal daw :-P Yes mattress! Talagang nag-practice ako, because I know this is my chance to express myself or more appropriately, to explain myself why I acted so mean and tactless back when I was in college, or even back before I got kids.
                As you can see in my past blogs, maldita talaga ang lola mo. Of course malaking factor na diyan ang upbringing and outlook in life kaya ngayon na marami-rami akong time na mag muni-muni at ngayong tumatanda na ko, I am slowly realizing (talagang slowly?? Chuckie! :p) that I was really mean back then. Mayabang na wala namang alam, alam mo yun? Haha! Ewan ko, basta ganun yung kinalakihan ko kaya ganun din ako umakto.
                So anyway, going back to my story, I was able naman to let my college friend know that I have changed for the better. I have achieved my goal to make her realize that I am now a changed person and in-short, bumait na ko. Hahaha! 
                After some more chika, I have noticed too that I know very little about my friend’s life and family. Hindi naman sa nakiki-usi pero kasi, kaya nga friend mo di ba? It’s a little bit weird if you don’t even know a little about her family, her life and her friends. That’s another thing I have noticed about myself when I was younger. I seldom ask my “friends” how they really are and how’s life treating them. I was so busy whining about my life that I didn’t think that they’re life is as important as mine. And yes, I have quoted the word “friends” because I was thinking that how can you be with friends with someone that you know so little about? Right? Eh di acquaintances lang dapat kayo? Or movie buddy? Or drinking buddy? Or chika buddy (if there’s such a thing)? Hahahaha!

Saturday, August 13, 2011

Mall Tour (Part I)

February - March 2010 entry

Last week, I toured around the mall by myself – ergo, mall tour… hehehe! Wala lang, gusto ko lang magkaroon ng break. Actually, dala ng sobrang pag-kainip sa paghihintay magkaroon ng internet connection, at boredome kaya ako ng-mall mag-isa. Si Siel, ung friend ko, nawi-weridohan sa akin kasi paano ko daw nagagawang mag-mall o manood ng sine na nag-iisa. Sagot ko naman, “Hindi mo pa ba ngagawa yun? Sarap kaya.” Oo, masarap. Lalo na pag mga tipong Drag Me to Hell ang pinapanood mo. Haha! Isang malaking joke! Hindi ko ata kaya yun mag-isa. The thought of it just can’t make me sleep.

Nagsususukat ako ng mga damit nung nag-mall tour ako. I never realized na ang laki na pala ng nilaki ko. Malaki na din naman ang pinayat ko pero malaki pa rin ako kumpara sa pre-pregnancy state. Nakakahiya dahil lagi na lang ikinukuha ng saleslady yung size ko sa stockroom. Ang dami kong pinapagod. Wahahaha! Eh ano naman? Para ma-exercise kayong mga saleslady kayo, maghanap kayo ng size ko! Wahahaha!

Mas lalo akong naawa sa sarili ko lalo na nung nag-try ako ng ab-rocket. May bumibiling ale nun tapos parang gusto ko din i-try. Nung sinubukan ko, hindi na ko umangat! Wahahaha… Nakakatawa talga.

After coming into a realization that my body was transforming from an amazing gazelle, into a fatty little hippo, I’ve come up with a plan to stop the transformation in progress. Milk. Yes, milk. I’m going to drink lots and lots of milk so that it will increase the amount of milk in my mammary glands and I will eventually resume breastfeeding because that is the quickest and fastest way to get thinner, besides exercise.

Thursday, August 11, 2011

Who's to blame?

February - March 2010 entry

Siguro nga hindi ko dapat isisi lahat ng nangyari sa mommy ko. Siguro dapat yung nanay-nanayan niya ang sisihin naming lahat! Yung lola ko ngayon, step-mom lang yun ni mommy (So, I’ll label her my step-lola). Yung tunay na lola ko, my lola Julieta came from a prominent family in Bulacan. Tapos, as I was told, my lolo was the driver of my lola’s family. Ayun, nagka-inlaban sila tapos one thing led to another, hanggang sa ipinasok ng great grandfather ko ang lolo ko sa Meralco noon. Then, my lolo and lola had four children, all of them were girls. My mom was the second child. My lola Julieta died after giving birth to my aunt which was their fourth child. After that, my lolo became a spinster. He then met a canteen lady at school, and they eventually got married. Her name is Viola. She became the step-mom of my mother.

My mom never told me anything about how she was raised, or how they were talked to as a child. Not until I was in my early twenties that I found out that my step-lola made my mom’s childhood and her sisters’ life, a living hell. They became my step-lola’s slaves. They cleaned the house, made food, etc. In short, katulong. Siguro kaya ganoon na lang din ang pag-alaga ni mommy sa mga katulong kasi baka nakikita niya yung sarili niya noon sa mga helpers.

Malupit na step-mom si lola Viola. Yung mga kuya ko sabi nga nila, evil step-mom daw talaga si lola Viola noon. May one time pa daw, pinilit lumayas ng mga mommy namin nung nasa gradeschool pa sila. Kaya lang parang nahuli ata sila tapos pinabalik sila sa bahay at pinagpapalo.



In short, hindi naranasan ng nanay ko ang isang tunay na pagmamahal ng isang ina. Kaya ngayon, ako naman ang nagbabayad. Pati mga pinsan ko ganoon din. Sinasabihan kami ng mga malulupit na salita kapag ngagalit ang mga nanay namin sa amin. Ako, binato ako ng mineral bottle water ni mommy noon. Tapos, binabagsakan ng telepono kapag nag-aaway kami sa phone at minsan it will end up in name calling.

Tama!

Si Viola nga ang dapat sisihin! Kung hindi ganoon ang pagtrato niya sa nanay at mga tita ko, hindi din siguro ganoon ang pagtrato ng mga nanay naming sa amin.

For the longest time, ang tagal tagal ko inisip kung ano ba ang mga pagkakamali ko at bakit ganoon na lang ako tratuhin ni mommy. Yun pala, hindi niya naranasan kung papaano mag-aruga ang isang ina sa anak. Kasi nga, dahil sa pagmamaltrato sa kanila ng step-lola namin.

Of course, in any situation that life might put us through, in the end, we still have a choice. And I think, that that was my mistake. I had a choice, but I chose to live a miserable and negative life. A life full of sadness, regret and pessimistic outlook.
To everyone or anyone reading this, let it always be a lesson to us that life, whether your situation favours you or not, you still have a choice and it is always up to you, how you will live your life to the fullest.

Wednesday, August 10, 2011

Getting to know you..rself (Part III - The unhealable wound)

February - March 2010 entry

Malalim ang sugat ng pag-aaway namin ni mommy. I blamed her for everything that happened between her and dad. Para sa akin kasi, siya ang may kasalanan ng lahat. Siya ang may mali, siya ang dahilan, siya lahat. And I didn’t want to be with her! I hated her! Literally! I never want to understand what happened, I just wanted to blame her, and I just want to hate her. Gusto kong sumama sa daddy ko pero sabi niya kay mommy na lang daw ako. Mahirap talaga pilitin ang isang bagay kung hindi na talaga puwede.

Yes, I am an ungrateful brat. But the best part of it is that I finally got to express it. To admit to myself that yes, I was angry. But because I was angry the whole time, I got so busy getting angry that I literally forgot to live my life. All I did was complain and negate everything. Wala akong ginawa nun kung hindi sumimangot. Galit na galit sakin ang mommy ko dahil puros simangot na lang daw ang ginawa ko. Papano wala naman kasi ako mapagsabihan ng problema at hindi nga ako na-train magsalita masyado kaya tumatahimik na lang ako kapag galit na ko. Pagkikimkim ng nararamdaman ang umiral sa akin. Tapos, sinundan ng paghihiganti. My heart was one heavy, mysterious, confused and dark heart. In short, maitim ang budhi ko nun. Haha!


I was not a bad person, I just felt really, really bad about everything, about myself, and about the fact that the world kept moving on and that it failed to notice me. It failed to ask me how I felt and why I felt that way. I didn’t know that it wasn’t supposed to do that. Ako ang talo dahil nahuli ako sa pagsunod sa agos ng buhay.

Nung umaga na papasok ako sa school pagkatapos mag-alsabalutan ang daddy ko, takang-taka ko sa mundo. Tanong ko sa sarili ko, anong ginagawa niyo (mga tao)? May nangyari sa akin na hindi maganda, hindi niyo ba ko tatanungin kung ano ito? I failed to see that I shouldn’t be demanding. I failed to see that there is still life and hope for me, maybe not for my family to be whole again, but there is something for me, so I should not have been so miserable. I failed to see the brighter and lighter side of life. I failed in struggling to be happy. It’s like I never tried being happy. And I regret that extremely because it’s like I initially gave up on myself.


Hindi kasi ako na-train maging optimistic. Unang-una ang nanay ko sa sobrang ka-praningan na ina, paranoid na at puro fears, at doubts ang pinapairal. Bukod pa doon, ang hirap – hirap mag-open up sa kanya.

Kung hindi ka papagalitan, lalaitin ka, ang mga ginagawa mo, kung

paano ka mag-isip at kung paano ka gumawa. Eh pano naman ang confidence level mo nun diba?

Eksampol:

Bata: Ma… may tumutukso kasi sakin sa school.

Nanay: Anong ginagawa nila?

Bata: Tinatawag nila ko ng kung anu-ano…

Nanay: Eh ikaw naman kasi eh, bakit ka ba ganun kumilos? Siguro ganun ka nga, hindi mo kasi ayusin yung kilos at galaw mo!

P.I.!!!! Isang malaki at nag-uumapaw na P.I.!!!! Ganyan ba ang isang statement ng isang C.P.A., Cum Laude at Manager ng isang kumpanya? Nakakahiya!

Ganito ang ilan sa mga pag-uusap namin ng nanay ko. Bastusan. Hindi ko alam kung bakit hindi na nabago ang ganun naming pag-uusap. Kaya’t madalas ay nag-aaway kami. Ngayon naiisip ko, bakit ko ba kailangang respetuhin ang isang tao na panay ang pambabara, panlalait at pag-tapak sa pagkatao ko? Katarantaduhan ata yun. No matter what I do, it will never be enough. And she will never be satisfied. If I do something right, she never bothered to encourage and praise the right things that I did. All she cared about was that I have done so many “wrong things” and that she did not have any “Consuelo” to me being her daughter.

Wrong things ka diyan, eh ako nga lang ang unang apo na nakatapos ng pag-aaral sa mother side namin. Yung mga kuya ko, hiwalay din ang magulang, nag-enjoy sa pagkabinata, tapos nasobrahan sa pag-eenjoy, hindi na nakatapos. Ako, kahit nabuntis ako nung 4th year college ako, nakatapos pa rin ako. Yun ba na-appreciate ng nanay ko? HINDE. Kasi nga hindi siya marunong maging isang mabuting ina. Puro siya reklamo at lahat ng mali kong ginagawa, yun ang pinangangalandakan niya sa mga tao. Akala mo naman napaka perfect niya.

Monday, August 8, 2011

Getting to know you..rself (Part II – Family history)


February 2010 entry

Kaugaliang pagiging taklesa ang kinalakihan ko. Kung nasa showbiz siguro ako ok yun kasi diba lagi nilang sinasabi na magpakatotoo ka. Eh si Kris Aquino nga diba? She says and does whatever she likes, no matter what. And the weird thing about it is, people accepts her for who she is. At ang pinaka panalo pa dun, they like her that way. Kung kay Kris Aquino effective yung ganung style, bakit sakin hindi? Pareho naman kami ng ginagawa pero bakit siya nilalapitan siya ng mga tao? Ako nilalayuan? Haha! Ganun talaga siguro kapag common tao ka lang. Dapat ikaw ang nakikisabay hindi ikaw ang sinasabayan.

Namana ko ng konti (konti lang naman) ang pagiging ka-taklesahan ko sa nanay ko.

Ang comedy side ko naman sa daddy ko. Typical father kasi si Dad. Tahimik lang. Hindi confrontational sa mga bagay-bagay para iwas gulo. Play safe ba. Pero ang pinaka malaking pagkakamali niya ay hindi niya nakilalang mabuti si Mommy nung pinakasalan niya (ang part na ito ay “in-theory” ko lang as I decipher what really happened to my parents’ marriage). Hindi rin naman kami masyadong magkakilala ng asawa ko nung kinasal kami pero I think we allowed the love that we felt to grow at committed kami pareho to build a happy home kaya nagkakasundo kami.

Magkaibang – magkaiba ang panahon nila noon kumpara sa panahon namin

ngayon. Katulad ng agwat ng aming mga kapanauhunan, magkaibang – magkaiba rin si daddy at mommy sa pag-uugali. Sa tingin ko pareho silang hindi marunong makipag – usap sa isa’t isa at pati sa akin. Minsan pag may issue, hinahayaan na lang nilang mamatay ito. Kaya tuloy naiipon. Tapos kapag puno na sila pareho, sasabog na sila. Eh di kagulo na.

Hindi ma-control ni daddy si mommy at si mommy naman, minsan unreasonable at mahilig sa walk-out. Boss kasi ng kumpanya kaya pati sa bahay boss din. At kami naman ni dad ang mga tauhan niya. Oo tauhan. Tauhan kami tratuhin. Oo responsible naman siyang ina. Pero hindi niya kami makausap ng maayos. At dapat lahat ng utos niya gagawin namin agad. Ayaw nila pareho ng pagbabago. Kapag may pagbabago, hirap sila mag-adapt at mag deal properly sa pagbabago na iyon. Hindi ko rin alam kung naiintindihan nila ang roles nila bilang mga magulang at mag-asawa. Basta ang alam ko lang, hindi sila ok mag-usap, hindi naman sila nag-aaway madalas pero lagi lang silang tahimik, civil o passive. Wala silang lambingan, walang sweetness, at madalas si dad hindi na lang kumikibo pag nang-iimbyerna na naman si mommy.

“Mas malaki ang sweldo ko sa daddy mo” – Iyan ang sabi ni mommy sa akin kaya daw hindi maka-imik si daddy sa kanya. Ano ba namang pananalita at pag-rarason yan? Ganyan ba ang isang CPA, Cum Laude at Manager mag-isip, magsalita o mag-rason? Nag-aral ka pa! Kung sino pa yung mas mataas ang pinag-aralan, yun pa ang matapobre!

Friday, August 5, 2011

Getting to know you..rself (Part I – Self-image)

February 2010 entry


Masarap din minsan kapag wala kang trabaho. Unti-unti mong nakikilalang muli ang sarili mo. When I was in my teens, ang yabang yabang ko nun. Akala ko kilala ko na ang sarili ko. Akala ko wala akong ginagawang mali at akala ko perfect ako. Haha!

Mali pala. Nasanay kasi ako sa environment kung saan nararapat mong sabihin kung ano ang nararamdaman mo. Kahit anong okasyon, kahit san, kahit sino ang kausap ko, go lang ako ng go. Hindi ko iniisip kung mabuti o masama ang nasasabi ko at kung nakakasakit ako ng tao. Wala lang. Basta masabi ko lang yung gusto kong sabihin. In short, maldita ko nun. Haha!

Ganun din kasi makipagusap sakin ang mommy at daddy ko. Pagalit, prangka, tactless. Hindi rin nila naiisip na nasasaktan na ko. At kapag tumatahimik na ako at nagtatampo na, wala pa akong karapatan magalit dahil anak lang daw ako. Oo marami akong hang-ups or issues about my childhood and throughout my teenage years. Yung husband ko kasi ngayon, sa kanya ko nakita ang tamang pakikipag-usap, tamang gestures, tamang gawa. Yung mga in-laws ko kasi ganun din. Kaya nakakahiya naman kung mag maldi-maldita pa rin ang asal ko. Baka advice-an pa ng mga in-laws ko na makipaghiwalay na sakin ang asawa ko. Saka gusto ko naman ma-realize nila kahit papano na in good hands yung asawa ko sakin. At sana ma-feel din yun ng asawa ko. J

Thursday, August 4, 2011

Ang Bus

February 19, 2011 entry

News – Paulit- ulit na lang. Sari-saring pagsabog ng kung anu-ano, nakawan, patayan, lokohan, lamangan, sakiman. Hanggang kelan ba to matatapos?

Naghihintay ako ngayon makaalis ang bus galing Southmall pauwi sa amin. Ok naman ang araw ko. Kahit nagsimula ng hindi maganda, kahit papano, maayos naman nagtapos.
Nakalabas na kami ng SM. Traffic as usual sa Alabang-Zapote. Papano, may ginagawa ang Maynilad at saka Sabado kasi.

Sinisipag ako magsulat ngayon. Ako lang kasi
ang bumyahe. Naiwan sa bahay ang asawa ko at kambal namin. Masarap din bumyahe ng walang inaasikasong bata paminsan. Wala kang iniintindi, wala kang inaalala, wala kang inaalagaan kundi sarili mo lang. Nakakamiss din. Pano only child lang ako, at kaunti lang din ang close friends ko kaya madalas nung teenager ako, sarili ko lang ang iniintindi ko.

Hindi sanay ang asawa ko sa mga pag-alis ko na ganito. Para sa kanya, solo-ista daw ako. Pinalaki kasi yun na laging magkakasama silang magkakapatid kahit san sila magpunta. Apat silang lalake at isang babae. Ang mama at papa niya, nung mag-asawa na, kahit san magpunta at kahit anong gawin, laging magkasama. Kaya pag gusto ko umalis ng mag-isa ko, nawiwirdohan sa akin asawa ko. Kulang na lang sabihin niya sakim ako.

Madalas kasi banggitin ng asawa ko sakin na yung nanay at tatay niya laging magkasama kahit san sila magpunta. Bakit daw ako, gusto kong mag-solo. Eh ano naman kung mag-solo ako? Kailangan ko din naman yun para maiba naman ang environment na ginagalawan ko. Lagi na nga ako sa bahay, pagkakait pa niya yung time ko for myself? Ang chuckie ah!

Gusto kong umalis mag-isa para makapag-recharge ako. Sa bahay lang kasi ako ngayon. Inaalagaan ko yung kambal naming babae at lalake. Hindi na ko madalas umalis. Ang mga friends ko naglo-law. Yung iba naghihintay ng results ng bar exams. Malayo din kasi sila sa amin at mostly nakakalabas sila sa QC. Eh malayo samin yun kaya minsan hindi na ko nakakasama. Kaya kapag nabo-bore na ko dito sa bahay since wala pa kaming internet, hinihiling ko sa asawa ko na aalis muna ko. Day-off ba. Haha! Parang katulong talaga.

Ang mga lalake daw kailangan ng “recreation” tulad ng sports, inuman, yung iba babae, at sugal. So ako, yun ang recreation ko, dahil kailangan ko din mag-recharge. Buti pa nga ang mga yaya may day-off every month eh. Ang nanay, kung kelan libre si mister. At dapat, bago ka pa umalis ng bahay para mag-relax, dapat ayos mo muna ang lahat. Susmaryosep! Ang ka-martiran nga naman ng pagiging ina.

Sabi ni Anthony Pangilinan sa ANC Headstart with Karen Davila, he and Maricel give each other space or separation time for themselves and they’re both ok with that too. Why are they ok with that, you might ask? It is because you don’t only find joy with your husband and children, you also find joy in things that you enjoy doing whether it be with your family, with friends or with yourself. (Tama!)

Andito na ko sa bahay. Mabilis lang ang biyahe. Kung walang nag-eembudo na mga bus paglabas ng SM, 15 minutes nasa bahay ka na. Kaso mahal ang mag-tricycle. Php 25 kapag sa kabilang gate ka pumasok. Ganun siguro talaga sa village. Mas matatagalan pa kasi ako kung sa main gate ako papasok at mahaba din ang pila dun.

Wala dito ang panganay at pangalawa kong anak. Namasyal kasama ng Nanay nila – Mommy ko yun. Ayaw kasi magpatawag ng Lola kaya Nanay na lang.

Sa totoo lang, medyo na-depres ako ngayon. Naging “all sizes fit” na kasi ang katawan ko. Naranasan ko na ang maging small (– nung bata-bata pa ako), medium (nung nabuntis ako ng first and second trimester), at ngayon large naman (nung naging kabuwanan ko na sa twins ko, hanggang ngayon). Malaking wake-up call para sa akin na dapat bantayan ko ang diet ko. Naalala ko dati, may nag-survey sa akin at ang lumabas, last daw sa mga priorities ko ang health ko. Well… dapat nga baguhin ko na ang diet ko habang maaga pa. Nabasa ko nga sa internet na children depend mostly on their parents that’s why parents should take care of themselves

(Child to parent: Be healthy. I need you.)