February 19, 2011 entry
News – Paulit- ulit na lang. Sari-saring pagsabog ng kung anu-ano, nakawan, patayan, lokohan, lamangan, sakiman. Hanggang kelan ba to matatapos?
Naghihintay ako ngayon makaalis ang bus galing Southmall pauwi sa amin. Ok naman ang araw ko. Kahit nagsimula ng hindi maganda, kahit papano, maayos naman nagtapos.
Nakalabas na kami ng SM. Traffic as usual sa Alabang-Zapote. Papano, may ginagawa ang Maynilad at saka Sabado kasi.
Sinisipag ako magsulat ngayon. Ako lang kasi
ang bumyahe. Naiwan sa bahay ang asawa ko at kambal namin. Masarap din bumyahe ng walang inaasikasong bata paminsan. Wala kang iniintindi, wala kang inaalala, wala kang inaalagaan kundi sarili mo lang. Nakakamiss din. Pano only child lang ako, at kaunti lang din ang close friends ko kaya madalas nung teenager ako, sarili ko lang ang iniintindi ko.
Hindi sanay ang asawa ko sa mga pag-alis ko na ganito. Para sa kanya, solo-ista daw ako. Pinalaki kasi yun na laging magkakasama silang magkakapatid kahit san sila magpunta. Apat silang lalake at isang babae. Ang mama at papa niya, nung mag-asawa na, kahit san magpunta at kahit anong gawin, laging magkasama. Kaya pag gusto ko umalis ng mag-isa ko, nawiwirdohan sa akin asawa ko. Kulang na lang sabihin niya sakim ako.
Madalas kasi banggitin ng asawa ko sakin na yung nanay at tatay niya laging magkasama kahit san sila magpunta. Bakit daw ako, gusto kong mag-solo. Eh ano naman kung mag-solo ako? Kailangan ko din naman yun para maiba naman ang environment na ginagalawan ko. Lagi na nga ako sa bahay, pagkakait pa niya yung time ko for myself? Ang chuckie ah!
Gusto kong umalis mag-isa para makapag-recharge ako. Sa bahay lang kasi ako ngayon. Inaalagaan ko yung kambal naming babae at lalake. Hindi na ko madalas umalis. Ang mga friends ko naglo-law. Yung iba naghihintay ng results ng bar exams. Malayo din kasi sila sa amin at mostly nakakalabas sila sa QC. Eh malayo samin yun kaya minsan hindi na ko nakakasama. Kaya kapag nabo-bore na ko dito sa bahay since wala pa kaming internet, hinihiling ko sa asawa ko na aalis muna ko. Day-off ba. Haha! Parang katulong talaga.
Ang mga lalake daw kailangan ng “recreation” tulad ng sports, inuman, yung iba babae, at sugal. So ako, yun ang recreation ko, dahil kailangan ko din mag-recharge. Buti pa nga ang mga yaya may day-off every month eh. Ang nanay, kung kelan libre si mister. At dapat, bago ka pa umalis ng bahay para mag-relax, dapat ayos mo muna ang lahat. Susmaryosep! Ang ka-martiran nga naman ng pagiging ina.
Sabi ni Anthony Pangilinan sa ANC Headstart with Karen Davila, he and Maricel give each other space or separation time for themselves and they’re both ok with that too. Why are they ok with that, you might ask? It is because you don’t only find joy with your husband and children, you also find joy in things that you enjoy doing whether it be with your family, with friends or with yourself. (Tama!)
Andito na ko sa bahay. Mabilis lang ang biyahe. Kung walang nag-eembudo na mga bus paglabas ng SM, 15 minutes nasa bahay ka na. Kaso mahal ang mag-tricycle. Php 25 kapag sa kabilang gate ka pumasok. Ganun siguro talaga sa village. Mas matatagalan pa kasi ako kung sa main gate ako papasok at mahaba din ang pila dun.
Wala dito ang panganay at pangalawa kong anak. Namasyal kasama ng Nanay nila – Mommy ko yun. Ayaw kasi magpatawag ng Lola kaya Nanay na lang.
Sa totoo lang, medyo na-depres ako ngayon. Naging “all sizes fit” na kasi ang katawan ko. Naranasan ko na ang maging small (– nung bata-bata pa ako), medium (nung nabuntis ako ng first and second trimester), at ngayon large naman (nung naging kabuwanan ko na sa twins ko, hanggang ngayon). Malaking wake-up call para sa akin na dapat bantayan ko ang diet ko. Naalala ko dati, may nag-survey sa akin at ang lumabas, last daw sa mga priorities ko ang health ko. Well… dapat nga baguhin ko na ang diet ko habang maaga pa. Nabasa ko nga sa internet na children depend mostly on their parents that’s why parents should take care of themselves

(Child to parent: Be healthy. I need you.)