Wednesday, August 10, 2011

Getting to know you..rself (Part III - The unhealable wound)

February - March 2010 entry

Malalim ang sugat ng pag-aaway namin ni mommy. I blamed her for everything that happened between her and dad. Para sa akin kasi, siya ang may kasalanan ng lahat. Siya ang may mali, siya ang dahilan, siya lahat. And I didn’t want to be with her! I hated her! Literally! I never want to understand what happened, I just wanted to blame her, and I just want to hate her. Gusto kong sumama sa daddy ko pero sabi niya kay mommy na lang daw ako. Mahirap talaga pilitin ang isang bagay kung hindi na talaga puwede.

Yes, I am an ungrateful brat. But the best part of it is that I finally got to express it. To admit to myself that yes, I was angry. But because I was angry the whole time, I got so busy getting angry that I literally forgot to live my life. All I did was complain and negate everything. Wala akong ginawa nun kung hindi sumimangot. Galit na galit sakin ang mommy ko dahil puros simangot na lang daw ang ginawa ko. Papano wala naman kasi ako mapagsabihan ng problema at hindi nga ako na-train magsalita masyado kaya tumatahimik na lang ako kapag galit na ko. Pagkikimkim ng nararamdaman ang umiral sa akin. Tapos, sinundan ng paghihiganti. My heart was one heavy, mysterious, confused and dark heart. In short, maitim ang budhi ko nun. Haha!


I was not a bad person, I just felt really, really bad about everything, about myself, and about the fact that the world kept moving on and that it failed to notice me. It failed to ask me how I felt and why I felt that way. I didn’t know that it wasn’t supposed to do that. Ako ang talo dahil nahuli ako sa pagsunod sa agos ng buhay.

Nung umaga na papasok ako sa school pagkatapos mag-alsabalutan ang daddy ko, takang-taka ko sa mundo. Tanong ko sa sarili ko, anong ginagawa niyo (mga tao)? May nangyari sa akin na hindi maganda, hindi niyo ba ko tatanungin kung ano ito? I failed to see that I shouldn’t be demanding. I failed to see that there is still life and hope for me, maybe not for my family to be whole again, but there is something for me, so I should not have been so miserable. I failed to see the brighter and lighter side of life. I failed in struggling to be happy. It’s like I never tried being happy. And I regret that extremely because it’s like I initially gave up on myself.


Hindi kasi ako na-train maging optimistic. Unang-una ang nanay ko sa sobrang ka-praningan na ina, paranoid na at puro fears, at doubts ang pinapairal. Bukod pa doon, ang hirap – hirap mag-open up sa kanya.

Kung hindi ka papagalitan, lalaitin ka, ang mga ginagawa mo, kung

paano ka mag-isip at kung paano ka gumawa. Eh pano naman ang confidence level mo nun diba?

Eksampol:

Bata: Ma… may tumutukso kasi sakin sa school.

Nanay: Anong ginagawa nila?

Bata: Tinatawag nila ko ng kung anu-ano…

Nanay: Eh ikaw naman kasi eh, bakit ka ba ganun kumilos? Siguro ganun ka nga, hindi mo kasi ayusin yung kilos at galaw mo!

P.I.!!!! Isang malaki at nag-uumapaw na P.I.!!!! Ganyan ba ang isang statement ng isang C.P.A., Cum Laude at Manager ng isang kumpanya? Nakakahiya!

Ganito ang ilan sa mga pag-uusap namin ng nanay ko. Bastusan. Hindi ko alam kung bakit hindi na nabago ang ganun naming pag-uusap. Kaya’t madalas ay nag-aaway kami. Ngayon naiisip ko, bakit ko ba kailangang respetuhin ang isang tao na panay ang pambabara, panlalait at pag-tapak sa pagkatao ko? Katarantaduhan ata yun. No matter what I do, it will never be enough. And she will never be satisfied. If I do something right, she never bothered to encourage and praise the right things that I did. All she cared about was that I have done so many “wrong things” and that she did not have any “Consuelo” to me being her daughter.

Wrong things ka diyan, eh ako nga lang ang unang apo na nakatapos ng pag-aaral sa mother side namin. Yung mga kuya ko, hiwalay din ang magulang, nag-enjoy sa pagkabinata, tapos nasobrahan sa pag-eenjoy, hindi na nakatapos. Ako, kahit nabuntis ako nung 4th year college ako, nakatapos pa rin ako. Yun ba na-appreciate ng nanay ko? HINDE. Kasi nga hindi siya marunong maging isang mabuting ina. Puro siya reklamo at lahat ng mali kong ginagawa, yun ang pinangangalandakan niya sa mga tao. Akala mo naman napaka perfect niya.

No comments:

Post a Comment