Monday, August 8, 2011

Getting to know you..rself (Part II – Family history)


February 2010 entry

Kaugaliang pagiging taklesa ang kinalakihan ko. Kung nasa showbiz siguro ako ok yun kasi diba lagi nilang sinasabi na magpakatotoo ka. Eh si Kris Aquino nga diba? She says and does whatever she likes, no matter what. And the weird thing about it is, people accepts her for who she is. At ang pinaka panalo pa dun, they like her that way. Kung kay Kris Aquino effective yung ganung style, bakit sakin hindi? Pareho naman kami ng ginagawa pero bakit siya nilalapitan siya ng mga tao? Ako nilalayuan? Haha! Ganun talaga siguro kapag common tao ka lang. Dapat ikaw ang nakikisabay hindi ikaw ang sinasabayan.

Namana ko ng konti (konti lang naman) ang pagiging ka-taklesahan ko sa nanay ko.

Ang comedy side ko naman sa daddy ko. Typical father kasi si Dad. Tahimik lang. Hindi confrontational sa mga bagay-bagay para iwas gulo. Play safe ba. Pero ang pinaka malaking pagkakamali niya ay hindi niya nakilalang mabuti si Mommy nung pinakasalan niya (ang part na ito ay “in-theory” ko lang as I decipher what really happened to my parents’ marriage). Hindi rin naman kami masyadong magkakilala ng asawa ko nung kinasal kami pero I think we allowed the love that we felt to grow at committed kami pareho to build a happy home kaya nagkakasundo kami.

Magkaibang – magkaiba ang panahon nila noon kumpara sa panahon namin

ngayon. Katulad ng agwat ng aming mga kapanauhunan, magkaibang – magkaiba rin si daddy at mommy sa pag-uugali. Sa tingin ko pareho silang hindi marunong makipag – usap sa isa’t isa at pati sa akin. Minsan pag may issue, hinahayaan na lang nilang mamatay ito. Kaya tuloy naiipon. Tapos kapag puno na sila pareho, sasabog na sila. Eh di kagulo na.

Hindi ma-control ni daddy si mommy at si mommy naman, minsan unreasonable at mahilig sa walk-out. Boss kasi ng kumpanya kaya pati sa bahay boss din. At kami naman ni dad ang mga tauhan niya. Oo tauhan. Tauhan kami tratuhin. Oo responsible naman siyang ina. Pero hindi niya kami makausap ng maayos. At dapat lahat ng utos niya gagawin namin agad. Ayaw nila pareho ng pagbabago. Kapag may pagbabago, hirap sila mag-adapt at mag deal properly sa pagbabago na iyon. Hindi ko rin alam kung naiintindihan nila ang roles nila bilang mga magulang at mag-asawa. Basta ang alam ko lang, hindi sila ok mag-usap, hindi naman sila nag-aaway madalas pero lagi lang silang tahimik, civil o passive. Wala silang lambingan, walang sweetness, at madalas si dad hindi na lang kumikibo pag nang-iimbyerna na naman si mommy.

“Mas malaki ang sweldo ko sa daddy mo” – Iyan ang sabi ni mommy sa akin kaya daw hindi maka-imik si daddy sa kanya. Ano ba namang pananalita at pag-rarason yan? Ganyan ba ang isang CPA, Cum Laude at Manager mag-isip, magsalita o mag-rason? Nag-aral ka pa! Kung sino pa yung mas mataas ang pinag-aralan, yun pa ang matapobre!

No comments:

Post a Comment