Friday, January 8, 2010

Minsan

Minsan sa isang buhay ng tao, dumadating ang punto kung saan nanunumbalik ang mga dati niyang karanasan, noong kabataan, noong single-life, at noong magkaroon ng isang makabuluhang pangyayari sa kanyang buhay. Napapatanaw siya sa mga dati niyang nagawa, nasabi, nasaksihan, naging kaibigan, kaaway, ka-kinuman, ka-yosihan, sa luma niyang buhay.

Pero kung tatanungin mo nga, kelan naman naging luma ang isang buhay ng tao? Dahil past tense na ba ito, tama bang sabihin na lumang buhay na ito?

Pagpasensiyahan niyo na... unang blog ko ito at halu-halo pa ang nararamdaman ko sa pagsusulat sa aking blog.

Ayoko sanang maging sobrang pormal, so let's change the mood. Ehehehe... :-)

Bago ako mag-blog, nagtititingin ako ng ibang writing exercises sa internet para mahasa ang aking skills sa writing. Noong una ay natatakot pa ako mag-post, gusto ko, bongga agad ang first piece ko. Gusto ko, maganda at makabuluhan ang puwede kong isulat.

But now, I just want to write what I want and what's in my heart. Maybe this is just an intro to the several blogs I'll be making in the future. Maybe this is my stepping stone to finding out what I really want in life.


No comments:

Post a Comment